Skip to main content

[Filipino] Moonlight Serenade Special Chapters


Special Chapter 1: Gideon


Elise is such a beautiful woman. Her eyes and lips are like diamonds in Gideon's eyes. Maganda ang hubog ng katawan na talagang kinagigiliwan ng kalalakihan. But not in Gideon's case. Nakawala na siya sa pagiging manyakis matapos niyang makilala si Angela sa Mantalongon. Pero kahit na gano'n, hindi pa rin nawawala sa kaniya ang paghanga sa babaeng may magandang katawan. Girl's body is like a trophy for men, atleast almost but not all. Kaya habang pinagmamasdan niya ang babaeng kasalukuyang nag-o-order sa counter ng canten ay hindi niya maiwasan isipin kung may boyfriend na ito. "Hey, Gideon!" Nawala ang tingin niya sa babae at napatingin sa bagong dating. Si Julie. Nakilala niya ito noong enrollment. Transferee galing sa CNU. Ngumiti siya. "Good morning, Julie." Nilapag ng babae ang tray sa tapat niya at naupo. Tiningnan nito ang relo sa bisig. "Almost ten na. Akala ko ba pupunta ka sa munisipyo ngayon?" "Pupunta mamaya," sabi niya at nilagok ang soda-in-can. "May klase pa ako." Sinipsip ni Julie ang straw ng strawberry juice. "May plano ka bang kumuha ng doktoral after masteral?" "Wala." Napatitig si Julie sa kaniya. "Wala? Ayaw mong tumaas ang rank mo?" "Tatapusin ko 'to." Ngumiti siya. "Gusto ng Direktor na magtrabaho ako bilang professor kapag natapos ko na ang Masteral." "Anong rank mo ngayon?" "Bago palang." Bumilog ang mga labi ni Julie at ngumiti sa kaniya. "I'm sure, magiging magaling kang Professor. Saka plano ko na ring magtrabaho rito after I graduate nursing." Natawa siya. "Sinabi mong mangingibang bansa ka." Biglang pumula ang pisngi ni Julie at ngiting nag-iwas ng tingin sa kaniya. "Dito ka magtatrabaho, so dito na rin ako." Humalakhak si Gideon saka umiiling na tumingin sa counter ng canten. Wala na roon si Elise. "Ah, sh**!" sigaw ng kung sino sa gilid ng mesa nila. Napatingin si Gideon sa sumigaw at ilang segundo siyang natulala sa ganda ni Elise. Kumunot ang noo ng babae at masamang tumingin kay Julie. "Are you blind?" tanong nito. Doon niya napansing natabig ni Julie ang baso ng juice at tumapon sa uniporme ni Elise nang dumaan ito sa mesa nila. Mabilis na tumayo si Julie at humingi ng pasensya kay Elise. Umirap ang huli at humakbang palayo sa kanila. Nakagat ni Julie ang labi at nilibot ang tingin sa paligid. Nilibot niya rin ang tingin at napansin niyang tumitingin sa gawi nila ang mga estudyante. "Tara," aya niya. Nakalabing sumunod si Julie sa kaniya. Nagpunta siya sa hagdan at tinungo ang second floor ng Specialized building. "Saan ka ba?" tanong ni Julie. Nagpunta siya sa locker room at binuksan ang locker niya. Kinuha niya ang jacket at ang grade slip na pinakiusap niya sa instructor niya. Sinilid niya 'yon sa bulsa. "Gideon?" Nilingon niya si Julie. "Pupunta na ako sa klase." "S-Sige." Nilibot nito ang tingin. "Kukunin ko na rin ang books sa locker ko," paalam nito at nilampasan siya. Hinatid niya ng tingin si Julie sa girl's locker ng Department nito. Bumuntong-hinga siya at lumabas ng locker room. Lumabas siya ng Specialized building at nagtungo sa sunod na klase. Classmate niya si Elise sa klase na 'yon kaya hindi niya maalis ang tingin sa babae. At paminsan-minsan ay napapatingin ito sa kaniya. Umiiwas siya ng tingin pero binabalik ang tingin pagkuwan. He can't take his eyes off of her. Pagkalabas ng silid-aralan ay lumapit si Elise sa kaniya. "Hey, let's talk!" sabi nito. Sumunod siya kay Elise tungo sa Treesury. Napapatingin pa ang ilang Senior High students sa kanila. Pagdating sa flower garden ay humarap ito sa kaniya. "Quit staring." Kumurap siya. "Miss?" "I said quit staring. Ilang araw mo na akong sinusundan ng tingin, Mister. I know it because you're creepy." Napaamang siya. Nawalan ng salita habang nakatitig sa bahagyang nakakunot-noo nitong mukha. Umikhim siya. "You've mistaken." "Excuse me?" Nagusot ang mukha nito saka napabuntong-hinga. "Alam kong maganda ako pero sana naman, Mister, respito. Hindi ako komportableng sinusundan ng tingin." Umiwas siya ng tingin at nagbaba ng tingin sa relong nasa bisig. Pasado alas-dose na ng tanghali. "I should go, Miss." Nag-angat siya ng tingin. "I'm sorry for nuisance." Tumaas lang ang kilay nito saka nag-iwas ng tingin. Mabilis siyang umalis ng Treesury at naglakad papunta sa specialized para kunin ang sumbrero niya sa locker. Hindi na niya nakita si Julie sa locker kaya diretso na siyang lumabas ng UDM. Nilakad niya ang Tindog bridge at pumara ng tricycle doon. "Sir, saan ho?" "Sa Munisipyo." "Naku, Sir, ibang ruta po ako." Nagkamot ito ng batok saka hilaw na ngumiti. "Hanggang sa Ayl lang ako, Sir." Nagbaba siya ng tingin sa relo. Malapit nang ala-una. Patapos na ang noon break sa Munisipyo at sabi ng ama niya, may dadaluhan itong pulong sa Mandaue mamayang alas-dos ng hapon. Kailangan niyang makarating doon bago mag-alas dos at baka hindi niya maabutan ang ama. Napabuntong-hinga siya. Nasira ang kotse niya kahapon kaya wala siyang magamit ngayon. "Sige." Agad siyang sumakay. Mabilis namang pinatakbo ng driver ang tricycle patungo sa Aisle. Habang nasa biyahe, tinawagan niya ang driver sa mansiyon ng ama. "Sir," anito sa kabilang linya. "Puntahan mo ako sa Aisle." "A, sige Sir." Binaba niya ang tawag. Pagkarating sa bungad ng Aisle ay huminto na rin ang tricycle. Nagbayad siya. "Sir, wala akong pansukli," nahihiyang saad ng drayber. Ngumiti siya. "Sa 'yo na 'yan. Salamat sa paghatid." Kumurap ang drayber. "Salamat, Sir." Ngiti siyang tumango at nilakad ang kahabaan ng Aisle. Dinukot niya ulit ang cellphone sa bulsa at nag-text sa drayber. Naalala niyang may kubo sa gitna ng Aisle. Plano niyang doon maghintay sa driver, pero biglang nag-ring ang cellphone niya. Tumatawag ito. "Sir, magpapa-gas pa ako." Tiningnan niya ang relo. Pasado ala-una na. "Pakibilisan lang." "Sige, Sir." Bumuntong-hinga siya. Huminto siya sa paghakbang at muling sinuksok ang cellphone sa bulsa. Pero bigla nalang may bagay na dumamba sa kaniya. Napaatras siya at mabilis na pinulupot ang braso sa bagay na dumamba sa kaniya. Malambot. Pagtingin niya sa ibaba, nakita niya ang isang babae. Umatras ito at tiningala siya. "May masakit ba, Miss?" tanong niya at pinasadahan ito ng tingin. "Pasensya na. Hindi ko tinitingnan ang nilalakaran ko." Nilibot niya ang paningin. Anong ginagawa ng isang babae sa gitna ng tubuhan? Nangunot ang noo niya. Dapat madaliin ni Lyndon ang pagpapasa ng proyekto sa Munisipyo nang sa gano'n ay mapapalawak ang daanan sa Aisle. Mahirap na lalo ngayong nalaman niyang may babae palang nag-iikot sa ilalim ng nagtataasang tubuhan. Napakadelikado. Paano kung masasagasaan sa Aisle o di kaya'y mahulog sa ilalim ng mga tubo? Hindi nito alam kung may tao bang nakaamba sa likod ng tubuhan. "Sa susunod, 'wag ka nang magpaikot-ikot dito sa Aisle. Makitid pa ang daan at baka mahulog ka sa tubuhan. Hindi pa napapasa sa opisina ng kaibigan ko ang budget para sa magpapalawak ng daanan," sita niya. Kumurap ito. Umawang pa ang mga labi. Natigilan si Gideon habang nakatitig sa mukha ng babaeng bumangga sa kaniya. "Magpapalawak ng... daanan?" He breathe. Ngumiti siya para bumalik sa huwesto ang isip niya. "Saan ka ba pupunta? Sasamahan na kita. Masyadong delikado sa 'yong magpagala-gala sa ilalim ng tubuhan." It is really dangerous for a fragile girl like you, he thought. May mga balitang may nagahasa sa sentro kaya gusto niyang masiguro ang kaligtasan ng babae. Lalo ngayong nasiguro niyang napakaganda nito. Maraming lalaki ang tiyak na maghahabol. Gusto niya sanang mas kilalanin pa ang babae, pero naisip niyang masyado pa itong bata para sa kaniya. He should not take advantage on a girl half his age. Or at least half his age. Pero hindi pa rin siya makatiis. "Miss?" tawag niya. "Ahm... ano p-po?" Natawa siya nang bahagya. "Anong pangalan mo?" "Ah... Laine po." Laine. Lihim siyang napangiti. Maganda ang pangalan nito, bagay sa napakaamong mukha. Tumango siya. "Masaya akong makilala ka. Tawagin mo akong Manasseh, Miss." "Nice name, Manasseh." Napasulyap siya sa babae. Nakangiti ito kaya napangiti siya. Tahimik nilang binagtas ang Aisle. Maya-maya pa'y nag-vibrate ang cellphone niya kaya dinukot niya 'yon palabas ng bulsa. Isang text message mula sa driver. Sir, trapik. Tiningnan niya ang relo. Malapit nang alas-dos. Makakaabot pa kaya siya? Napabuntong-hinga na naman siya. Nagbago na ang plano niya. Maglalakad na siya sa Aisle at baka masalubong niya ang kotse sa gitna ng daan. Kung tutunganga siya sa kubo ay tiyak na magsasayang lang siya ng oras. Nagpaalam siya kay Laine nang marating ang kubo sa may intersection. Ayaw niya sanang iwan ang babae pero sabi nitong may susundo rito. "Ahm... magkikita pa rin ba tayo?" tanong ni Laine. Lumingon siya kay Laine at tumitig sa mga mata nito. Ngumiti siya. "If God allow us to meet again, Laine... we will." Naghinang ang tingin nilang dalawa. Hindi niya kayang iiwas ang tingin sa dalaga. May kung anong pakiramdam ang umusbong sa kaniya habang nakatitig sa maamo nitong mukha. Sinaulo niya ang mukha nito, sa pagbabakasakaling maaalala niya ito sa muli nilang pagkikita. "Uh..I-I hope so, Manasseh..." Doon siya natauhan. Ngumiti siya at tumalikod. Binagtas niya ang nagtataasang tubo sa ilalim ng araw. At habang inaalala niya ang mukha ni Laine ay bigla nalang siyang napangiti. Napabuga ng hangin. Naisip niyang... kung sana naging kaedad niya si Laine ay tiyak na susuyuin niya ito. Pero hindi niya kayang sirain ang kinabukasan ng dalaga. Masyado pa itong bata para sa kaniya. Tumingala siya sa kalangitan.



Special Chapter 2: Jewel


Bilog ang buwan. Hindi naman kakitaan ng takot ang mukha ni Jewel. Bagkus, nakangiti siya. Ito ang gabi kung kailan pwede siyang magsaya sa Christmas party ng Unibersidad. Walang restriction. Walang mga matang nakasunod sa kaniya. "Bilis, bilis! Late na tayo!" sabi ni Hazel. Natawa siya. "Hindi 'yan. Alas-siyete pa naman kaya hindi tayo late." Nakabukas na ang ilaw sa mga gusaling nadadaanan nila. Malamig din ang ihip ng hangin at dinig niya ang taghoy niyon. Nilanghap ni Jewel ang sariwang simoy ng hangin. Amoy pa niya ang lumot dahil lumiko sila sa boy's dormitory at doon dumaan. "Laine, will Simoen be there?" tanong ni Tiara. Nagkibit-balikat siya. "He should be." "Sus, kung nasa'n si Laine, nando'n naman si Simoen," singit ni Gabbi. Napangiti na naman siya. Noong nakaraang buwan lang niya sinagot si Simoen, at saktong ngayong gabi ang first monthsary nila. Wala siyang regalo kay Simoen dahil hindi siya nakabili lalo't katatapos lang ng quarter test nila. "So... anong kukunin niyong kurso sa college?" tanong ni Gabbi. "Undecided pa, e. Pero I have seen cute boys sa Marine," ngising sambit ni Tiara. Natawa si Jewel. Hilig na talaga ni Tiara ang mag-boy hunting. Palagi nitong kinukwento ang mga gwapong lalaking nakakasalamuha nito. Pero wala naman siyang pakialam at hindi naman siya interesado kaya hinahayaan nalang niya. "Girls! Narinig ko na may bagong transferee daw sa ABM," sabi ni Hazel. Napatingin siya rito. "Sino?" Ilang estudyanteng transferee lang ang tinatanggap ng UDM kapag nagsisimula na ang klase. Medyo advance ang lesson kaya sinasalang ng enrollment officer ang magta-transfer kung makakaya bang maghabol ng klase. Kadalasan sa tinatanggap na transferee kapag simula na ng school year ay 'yong mga malalaki ang grado, partikular ang mga top students sa ibang Unibersidad. "Emerson yata ang pangalan," ngiting sambit ni Hazel. Nangunot ang noo niya sa klase ng ngiti ni Hazel. May kakaiba sa mga 'yon kaya umikhim siya. "Crush mo?" Paimpit na tumili si Hazel. "Nakita ko siya kaninang hapon sa Treesury, girls. Ang gwapo niya!" Natawa na naman siya at napailing. "I'm sure, that Emerson is a top student. 'Wag mo nang patulan kasi hindi ka papansinin no'n," biro niya. Lumabi si Hazel at pabiro siyang hinampas sa braso. "KJ ka talaga kahit kailan, Laine!" Natawa sina Tiara at Gabbi. Nagkibit-balikat lang siya habang nakapaskil sa mukha ang isang malaking ngiti. Hindi naman siya KJ, binabalaan lang niya si Hazel dahil tulad ni Simoen na isang top performing student, hindi rin siya nito pinapansin no'ng una. Kung hindi lang sila aksidenteng nagkabanggaan sa hallway ay baka hindi siya nito mapapansin. Lihim na niya itong crush noong una, pero dahil masyadong pressure ang klase, hindi na rin siya naghabol sa lalaki. Pinagtuonan niya ng pansin ang pag-aaral, pero nang magkabanggaan sila sa hallway ay palagi na siyang napapansin ni Simoen tuwing nagkakasalubong sila. Ngumingiti ito sa kaniya at ngumingiti rin siya pabalik dito. Ilang linggo silang gano'n hanggang sa nagkita sila sa isang school fair during science culmination. Isa si Simoen sa tumao sa booth ng Chemistry at nagpi-perform ito ng science experiments. Muntik na nga siyang masabuyan ng likido dahil sa natabig ng kasamahan ni Simoen ang isang beaker, pero nagpasalamat siya't naging maliksi si Simoen. Hinila siya nito kaya tumilapon ang likido sa lupa. Naalala pa niya ang takot sa mga mata nito habang pinapasadahan siya ng tingin. Paulit-ulit pa nitong tinanong kung ayos lang ba siya. Doon na nagsimulang tumibok ang puso niya para kay Simoen. 'Yon din ang unang beses na tumibok ng mabilis ang puso niya dahil sa isang lalaki. Ilang linggo pagkatapos no'n ay palagi na silang nagkita ni Simoen. Hindi nagtagal ay nagtapat ito ng nararamdaman para sa kaniya. At no'ng nakaraang buwan lang din ay opisyal na naging sila. Kumalat ang balita sa buong UDM ang tungkol sa relasyon nila kaya sa nakalipas na school paper publication, ang mukha niya at mukha ni Simoen ang na-feature sa entertainment page ng school paper. At sa tuwing dumadaan siya sa hallway, halos lahat ng mga mata ay nakatingin sa kaniya. Nagbubulungan. Hindi siya komportable. Hindi niya lubos akalaing magiging usap-usapan ang pagsagot niya kay Simoen. Pero dahil nangyari na nga ay hinayaan na niya. Hindi na lang niya inisip ang mga matang palaging nakasunod sa kaniya. Mabuti nalang din at nandiyan ang mga kaibigan niya para pagtakpan siya sa mga matang nakasunod. "Laine, doon lang ako sa gilid. Kukuha ako ng drinks!" paalam ni Tiara. Ngiti siyang tumango. Isa-isa na ring nagpaalam sina Gabbi at Hazel. Hinayaan na niya dahil gusto niyang mag-enjoy ang kaibigan niya sa party. Nilibot niya ang paningin. Dim light. May mga inuming nakasilid sa mamahaling baso ang pinapasa sa mga estudyanteng nagsasayaw sa paligid. Malakas din ang tugtog ng stereo. "Jewel!" tawag ng kung sino. Lumingon siya at nakita niya si Joseph. Nakangiti ito sa kaniya at hawak ang isang baso. "Nasa'n si John Drail?" tanong niya. Nagkibit-balikat ito at inabot sa kaniya ang isang inumin. "Heto, uminom ka muna." Agad niyang tinanggap ang inabot nito at nilagok. Binaba niya ang baso sa katapat na mesa. "Ikaw lang mag-isa?" tanong niya. "Nando'n si Drail sa kabila. Kausap ang gf." Tumango siya. May dumaang tagahatid ng drinks sa kanila. Tinawag niya ito at kinuha ang isang basong nasa ibabaw ng tray na hawak nito. Kumuha rin ng baso si Joseph at dire-diretsong nilagok. Sumimsim na rin si Jewel sa inumin. "Ibang lasa," sabi ni Joseph. Tumango siya at tiningnan ang inumin. "Yeah, it tastes bitter. Pero masarap," sabi niya at inisang lagok ang inumin. Ilang baso pa ang nainom niya at ni Joseph nang unti-unting umikot ang paningin niya. Napahawak siya sa braso ni Joseph. "Jewel, ayos ka lang?" Nag-angat siya ng tingin sa lalaki at ilang segundong tinitigan ang mukha nito. "Simoen?" tanong niya. Nangunot ang noo nito. "Hindi ako si Saavedra." Pero hinila niya ito palabas ng function hall. Sumasakit ang ulo niya sa lakas ng tugtog ng musika at nahihilo siya sa halo-halong pabangong nagkalat sa loob. "Jewel," tawag ni Joseph. Pero patuloy lang sa paghila si Jewel. Dinala niya ang lalaki sa Treesury, papunta sa flower garden. At doon sumuka. Hinagod ni Joseph ang likod niya. Nang mahismasan ay nanlambot ang tuhod niya. Muntikan na siyang matumba. Mabilis naman ang pagkilos ni Joseph. Hinawakan nito ang baywang niya at hinila siya nito payakap. Nasa gano'ng puwesto sila nang marinig niya ang mahinang saliw ng musika na nanggagaling sa function hall. Isang love song ang pinatugtog doon kaya napangiti si Jewel. Pumikit siya at pinakiramdaman ang tibok ng puso ng lalaking kayakap niya. Pikit-mata siyang humarap kay Joseph at ikinawit niya ang mga braso sa balikat nito. Nagsayaw sila sa ilalim ng buwan. Ilang minuto silang nagsasayaw, nang maramdaman ni Jewel ang malambot at mainit na bagay na dumampi sa mga labi niya. Gumalaw ang bagay na 'yon kaya ginaya niya ang galaw. Hindi nagtagal ay naramdaman niya ang malamig na hanging marahang dumampi sa balikat niya pababa sa gitnang bahagi ng likod. Nagmulat siya dahil sa lamig. Nanlaki ang mga mata niya nang mapagtantong hinahalikan siya ni Joseph at unti-unti nitong kinakalas ang damit niya. Mabilis niya itong tinulak. Hingal siyang nag-iwas ng tingin at inayos ang damit. "J-Jewel, I'm sorry." Napahilamos ng mukha ni Joseph. "Pasensya na. Hindi ko sinasa ---" "Stop it. Let's not talk about this thing. Forget what happened ---" Hindi na niya natapos ang pagsasalita dahil may narinig siyang kaluskos sa hindi kalayuan. May yabag na tumatakbo palayo. Nanlaki ang mga mata ni Jewel at napabaling kay Joseph. "Forget what happened tonight," babala niya at mabilis na pumihit. Tumakbo siya pabalik sa function hall na gulong-gulo ang isip. Si Joseph? Akala niya ba ay si Simoen ang kasayaw niya kanina? Bakit si Joseph ang nandoon? Huminga siya nang malalim. Anong nangyayari? At sino ang nakakita sa kanila kanina? Kinagat niya nang mariin ang mga labi. Sana... sana hindi kumalat ang tungkol sa nangyari sa pagitan nila ni Joseph dahil wala na siyang mukhang ihaharap kay Simoen 'pag nagkataon! [End of Special Chapters]

moonlight serenade special chapter

Supporting your favorite author is a great way to help them create more free stories!


Comments

Post a Comment

More from Aranew Stories

Aranew

Aranew is 20 years old Filipino writer. Her writing career started on 2014 when she wrote her first story Stupidly In Love with You on a notebook. After months of writing on paper, she discovered Wattpad (2015), an online reading site, where she tried to publish stories in a failed attempt. It was also where she came up with her pen name aranew when Wattpad asked her for a username upon registering, and she could not input arabellathenew that's why it became aranew. Around that year, Aranew found it inconvenient to use Wattpad since she did not own a laptop. When she was given her first cellphone, she discovered a way to share her stories through Facebook. Writing on Facebook, Aranew wrote her first story that she thought was well-accepted by a certain group of people. The story was titled Summer Kisses and Winter Tears. The story revolved around Renalyn Venerola, a barren wife who pushed her husband to sleep with her housemaid in order to bear a child. While sharing the ...