Chapter 160 Naibigay na ni Lamech sa pulisya ang kopya ng video at naghain na siya ng affidavit sa korte laban kay Narciso Clasiso. Bumalik na siya sa lungsod nang isang araw at agad siyang pinatawag ni Alibata sa mansiyon. Dahil wala si Simmy sa mansiyon, malaya niyang naipakita kay Alibata ang kopya ng video ng pag-amin ni Andrie, pati na ang video na ginawa ni Azora para sa ama. Hindi na niya tiningnan ang video na pinadala ng babae bilang privacy na rin ng mag-ama. Matapos ng pagkikita nila ni Alibata ay nag-report na siya sa opisina ng head prosecutor saka inasikaso ang demanda laban kay Narciso. Si Alibata bilang complainant ay nagpasa ng complaint sa opisina ng prosecution. At dahil kakilala niya ang Deputy Chief ng City Prosecutor Office, binigay sa kaniya ang complaint ni Alibata na agad niyang tinanggap. Nagsagawa siya ng preliminary investigation at nakakuha ng sapat na ebidensya para maging ground for trial kay Narciso. Nalaman niya sa kakilala niyang ...
Contemporary Romance, Teen Fiction, Historical/High/Adventure Fantasy, Urban Son-in-Law, Mystery-Thriller