Halika Mahal
Timeless Pieces of Scribblers (2018)Halika mahal at tayo'y magsaya Sa pinong buhangin, tayo ay liligaya Ang ating mga puso na nais magpahinga Himaymay ng ala-ala ay magmamarka Halika mahal at tayo'y maglaro Sa halik ng alon, sa baybaying malayo Ang mainit na luhang naglandas at tumulo Pumatak sa buhangin at doon natuyo Halika mahal at tayo'y magtampisaw Sa lamig ng hangin kahit tirik ang araw Sa ibabaw ng alon, sumasayaw ang ulap Katulad ng pusong sabik sa 'yong yakap Halika mahal at harapin ang dagat Sa lalim at lawak ng tubig na maalat Nilibot ng paningin at napaluha sa sakit Na dulot ng 'yong ala-ala, puso't isip ko'y nakapiit
Clear Night and Tomb
7 PM. Montoya Beach Resort, Cebu. Everything swayed in their own rhythm, her vision was quite blur. 'It's because of the alcohol!' she thought. Claire tried to keep her balance and reached for her car's door. The residual smell of cigarette lingered in her nostril that made her want to puke. "Hello there, lady." She froze. A silhouette stood across the parking slot. Her breath hitched and she hurriedly opened the driver's door and hop in. But the man opened the other side and the next thing she knew, his face now an inch away. "Tom?" The man smiled and caress her left cheek. "Beautiful, as always." She didn't find any admiration in his voice. Nothing but pure bitterness. Still, she smiled and gently touched his face. "You don't know how handsome you are, my tesoro." He grinned. And she couldn't help but to smile. "Naughty, little bitch." Her heart clenched. She pulled his nape and tried to kiss him but he stopped her. She opened her eyes to see the mischievous smile written in his face. "Not tonight, lady. My wife is here." She backed away and smiled softly. He pulled her closer and licked her exposed neck. She shivered. His tongue made its way to her ears. He bit her earlobe and she squirmed. "Tomorrow, 9 PM. Same room. Same building. Can't wait to taste you again, milady." And just like that, Tom got his way out of the car and disappeared into the night. She closed her eyes as tears traveled down her cheek. She knew it. Every night
Pahinga
NAPUNO ng tawanan ang apat na sulok ng silid-aralan. Nahihiyang yumuko si Elena at mabilis na lumabas ng klasrom. Ni hindi siya pinigilan ng titser. Alam nitong kailangan niyang mapag-isa. Napahinto siya sa paglalakad nang muling humilab ang kanyang tiyan. Napangiwi siya. Hindi makagalaw. Pinagtitinginan na siya ng mga estudyanteng dumaraan. Ni walang huminto upang magtanong kung okay lang siya. Dahan-dahan siyang naglakad papuntang banyo. Pinipigilan ang namumuong luha sa kanyang mga mata. Konti na lang... "Ahh!" Bigla siyang napasalampak sa sahig. Rinig niya ang singhap mula sa kung sinoman. "Opps, my bad. Sorry gurl!" Naglakad paalis ang nakabunggo sa kanya. Pinilit niyang bumangon at pumasok sa restroom. Doon, nakita niya ang repleksyon sa salamin. Maputla siya. Nanghihinang dinukot niya mula sa bulsa ang isang lipstick na bigay ni Julio. Ipinahid niya ito sa labi habang nanginginig ang kanyang kalamnan. Lumabo ang kanyang paningin. 'Masaya ka na ba? Masaya ka na bang sinasaktan nila ako?' Napatalon siya nang biglang bumukas ang pinto. Gulat niyang tinignan ang mukhang kanina pa niya iniisip. "J-julio?" Hindi ito nagsalita. Lumapit ito sa kanya at dahan-dahang pinunasan ang basa niyang pisngi. "Masakit pa ba?" Umiling siya at nangiting tinignan ang lalaki. May inilabas ito mula sa bulsa. Gamot. "Inomin mo muna. Pampatanggal ng sakit. Kainin mo rin ang pancit na binigay ni Sharmaine. Makakabuti iyon para sa 'yo." 'Makakabuti para sa akin?' Peke siyang ngumiti at tumango. Ngumiti ang lalaki at tumalikod. Mariin niyang kinagat ang labi at hinayaan ang sariling lumuha. 'Makakabuti para sa akin? Ganun ba? Kaya ba lahat ng gamot na binibigay mo ay walang epekto? Kaya ba kapag kinakain ko ang pancit na binibigay ni Sharmaine, sumasakit ang tiyan ko? Kaya ba... parang wala lang lahat sa iyo? Mahal kita, alam mo 'yan...' Muli niyang itinapon ang gamot sa trash bin na nasa gilid. Dinagdagan niya ang lipstik hanggang kakulay na ng labi niya ang dugo. Wala siyang paki-alam. Kung ito man ang gusto ni Julio---ang maging miserable ang buhay niya, pwes... tatanggapin niya. "ANO?! Bakit lumala? Hindi ba't umiinom siya ng gamot?" Bumaling ang tingin ng ina ni Elena kay Jules. "Binibigay mo naman ang gamot, 'di ba?" Tumango ang lalaki. "Bakit nagkaganito?" "Hindi ko po alam, ma. Pero mukhang..." "Mukhang?" "Tinatapon niya ang binibigay kong gamot." Napapikit ang ina ni Elena. Lumuluha. May tumawag sa kanya kanina na nahimatay ang anak habang nasa klase. Maputlang-maputla na ito at nangingitim ang mga kuko kaya itinakbo sa hospital. Nalaman na lang niyang lumala ang sakit nitong leukemia. "Jules, bakit ganito? Ano bang nangyari?" Bumuntong-hininga si Jules at lumapit sa kama kung nasaan si Elena. "Naghahallucinate siya, ma. Palagi niya akong tinatawag na Julio. Nakalimutan niyang ako si Jules, ang kapatid niya." "Diyos ko..." Muling napahikbi ang kanilang ina kaya dinaluhan niya ito. "Pero matagal nang patay si Julio!" "Pero pilit niya pa rin itong binubuhay sa isip niya." Malungkot nilang pinagmasdan si Elena na payapang namamahinga.
May Sasabihin Ako
May sasabihin ako Ibubulong ko na lang sa iyo Halika, lumapit ka dito Pakinggan mong maigi, a? Alam mo bang mahal kita? Alam mo bang nakakasakit ka na? Palagi ka na lang kasing tulala Nakatanaw sa malayo, tila gustong lumaya Masakit isipin na pinipilit kong maging masigla Makita lang kita, okey na Buo na ang araw ko, ika nga sa isang kanta Naririnig mo ba ang sinasabi ko, Carlo? Ayan ka na naman Tulala na naman sa malawak na palayan Kailan kaya kita makikita--- A hindi, kailan mo kaya ako makikita? Hindi ka naman bulag para alalayan Hindi ka naman bingi para pagpasensyahan Pero mahal, ang sakit-sakit na kasi Ginagawa kong tanga ang sarili Alam kong wala ka na Walang nang pag-asang bumalik ka pa Anlayo mo na e, nandyan ka na sa langit Habang ako'y nabubuhay sa pait O ayan, masaya ka na? Gusto ko nang lumaya, pagbibigyan mo ba? Itatapon ko na ang luma mong litrato Na naging pansamantalang halili sa katauhan mo.
My Dawn, I'm Down
You are Dawn, who I love the most Precious like gem who shines the brightest Little did we knew, we can't be together For you are my possession that I can't possess You are the light, and I'm the darkness
Comments
Post a Comment