Skip to main content

Am I Worthy? | Chapter 1 - Chapter 2

Beginning

"Ano? Mag-madre ka nalang." Napahigpit ang hawak ko sa cellphone. Kailangan ba talaga? Kailangan ba talagang mag-madre upang ipakita ang gusto ko? "Wala ka nang ginawa kung 'di atupagin yang cellphone mo! Andami mo pang labada, nakatambak sa labas. Hindi na nahiya sa kapitbahay." Napabuntong-hininga ako, pilit inaalis ang inis na namumuo sa dib-dib. Itinabi ko ang cellphone at lumabas. Ganito lang ba? Paulit-ulit lang ang buhay. Sanay na ako pero minsan, gusto ko nang sumuko. Nakakatamad. Paulit-ulit nalang. Wala na bang bago? "Sana, may dadating, mag-aahon sa akin sa buhay na 'to. Yung parang knight in shining armor? Sana. Sana may tagapagligtas." Napa-iling ako. "Ano ba 'tong iniisip ko? Walang knight in shining armor hangga't hindi ako nakakapagtapos ng pag-aaral. Kaya dapat matapos ko ang buhay estudyante!" Sana...


Chapter 1

I will be still and know
You are God...


~~~

Sirang upuan. Lihim akong napangiti. Isang magandang impresyon sa pagsisimula ng klase. "Good afternoon, class. I am Mrs. Ma. Chona P. Gelvis. I am your class adviser for the whole school year. And I guess, it's your first time to attend a night class, right?" Nilibot ko ang paningin. Maayos ang disenyo at labas-pasok ang hangin sa loob dahil sa magkabilaang naglalaking bintana. Hindi na masama. Well ventilated ang buong silid kaya nakakahinga ako ng maayos. "Hello?" Muling bumalik ang pansin ko kay maam. Walang sumagot sa kanya kaya nanatili rin akong tahimik. "Okay. Dahil walang sumasagot sa tanong ko, mag-i-introduce nalang tayo. Okay lang ba?" Wala paring sumagot kaya sinimulan niya mula sa pinakagilid. Sa una, nahihiya pa ang mga classmates ko, tinatantsa ang bawat reaksyon. Kalaunan, naging maingay na ang klase dahil sa kantyawan ng ilang kalalakihan. "I'm Isah Marga. I like dancing. That's all." Naging laman ng tukso yung Isah, sample raw. Napa-iling ako. Wala rin siyang nagawa kung 'di sumayaw sa harap at masasabi kong magaling siya. "Next please." Tumayo ako't bumalik sa tahimik ang buong silid. "Hi. Good afternoon. I am Phoebe Kylle Serbantes. I like singing. That's all." Babalik na sana ako pero pinigilan ako nung teacher. "Wait. What is the thing that you don't like?" "Uhh, cooking? And also, fake friends." Nag "oww" yung mga classmates ko pero ilan lang. Most of them are staring at me, strangely. "Thank you, Miss." I cringed, pero di ko pinahalata. Medyo hindi ako sanay na tawaging ganun. Bata pa ako para maging "miss". Or so I thought? Muli akong naupo. Bumalik sa sigla ang buong silid nang magpakilala yung Remelyn--kasunod ko. "Bakit kaya night siya?" "Hindi ko alam. Akala ko nga sa Mariganian siya." Pasimple kong nilingon ang mga babaeng naka-upo sa likuran ko. Nang mapansin nilang nakatingin ako ay umayos sila ng upo at nagpanggap na nakikinig. Hindi ako nagsalita. Muli kong binalik ang atensyon sa harap--yung Caterine na ang nakatayo't nagpalakilala. "Si Amaya nga, sa SACS na." "Sosyal." "Hindi no. Sa Science High School yun. Nakalimutan ko lang yung name." "Talaga ba?" Kumunot ang noo ko't binawale-wala yung sinasabi nila. Ang ingay, hindi ako maka-concentrate. "I'm Rica Rose. Nice to meet you. I like singing, dancing, drawing and that's all." Natapos ang pagpapakilala't muling bumalik sa tahimik ang klase. I tightly grip my ballpen. Pinagpawisan na rin ako't hindi makahinga ng maayos. "Thank you for today, class. Behave okay? Wait for your second subject teacher. Walang lalabas. Nagkai-intindihan ba tayo?" They--we nodded. Lumabas si ma'am Ge--short for Gelvis. Bumuntong-hininga ako't tinanaw ang labas ng classroom. Sun rays. It stretches like an eagle spreads its wings. It shines in every direction and it directly hit my own eyes. I blink. It doesn't hurt me that much so, I held my gaze straight to the setting sun. "Febs, okay ka lang?" Napakurap ako. Nilingon ko yung kumalabit sa likod ko. Si Caterine. Wala na rin yung mga chismosa kanina. I guess, lumabas ang mga 'yun ng classroom. "Yeah. I'm okay. Err, thanks?" Muli kong binalik ang tingin sa labas. Bumaba na ang lebel ng araw kaya hindi na direktang tumatama ang liwanag sa mga mata ko. Narinig kong may kausap si Caterine. Hindi ko na pinakinggan pa. Kumalma na rin ang pakiramdam ko. I waited for the second teacher pero walang dumating. Labas-masok na ang mga classmates ko. Yung iba nga, kumakain na. Hindi pa naman recess, a? Napatingin ako sa pinto nang pumasok ang isang teacher. Magkasalubong ang dalawang kilay at masasabi mong istrikto. Naging aligaga yung mga classmates kong nasa labas at dali-daling pumasok. Kumalabog ang dib-dib ko. Wag mong sabihing--- "Bakit nasa labas kayo?" Right. I'm--They are doomed. Hindi naman ako lumabas kaya bakit kinakabahan ako? "Sorry po, ma'am." "E, bakit ka nagso-sorry? May kasalanan ka ba? May kasalanan?" I suppress my smile. I think-- "At sino may sabi sa inyong pwede na kayong kumain? Quarter to seven palang. Wala pang recess. Alam niyo ba yun?" She's strict. Nanahimik ang buong klase. Tinago ng mga kaklase ko ang mga pagkain. "May sinabi ba akong itago niyo ang mga pagkain? Diba wala?" Nakatanga kaming lahat sa kanya. Ang gulo niya. Tumawa siya bigla. Okay, what was that? "Joke lang, ano ba kayo? Sige na nga. Kumain na kayo. Baka ako pa sisihin niyo kapag bigla kayong papayat. Diba, miss?" Tumingin siya sa akin. I was stunned. Ako ba? "Ano pangalan mo, iha?" Dahil nagulat ako, hindi ako nakasagot. Yung katabi ko pa ang sumagot sa tanong ng teacher. "Phoebe, ma'am." "Ikaw ba ang tinanong ko?" Natikom niya ang bibig. Hilaw akong napangiti. The classes went on. Wala namang nangyaring kakaiba except, sa makulit na teacher namin sa MATH. Si ma'am Obola. Marami siyang jokes na hindi nakakatawa, pero natatawa yung classmates ko kaya nakitawa na rin ako. I just prayed na hindi nagmumukhang ewan yung tawa ko. Ayun sa schedule, third subject yung math. Obviously, hindi pumasok yung teacher namin sa Filipino. Oh well, baka bukas magkikita kami. Walang tumunog na bell, basta lang sinabi ni ma'am Obola na pwede nang mag-recess. Hintayin na lang daw namin yung 4th subject teacher. Nagkibit-balikat ako. "Febs, may naghahanap sa 'yo." Napatingin ako sa pintuan. Wala naman a? "Nasa labas, hinihintay ka." Tumayo ako't lumabas ng classroom. Nilibot ko ang tingin sa labas. May mga estudyante, karamihan, classmates ko. Wala namang lumingon sa akin or any sign sa taong naghahanap daw sa akin. Muli akong pumasok sa loob. "Wala naman--" Nothing. Nahigit ko ang hininga at nilibot ang tingin. I forgot, ako lang mag-isa sa classroom. Napatingin ako sa labas. It's already evening.


Chapter 2

What if the trials of this life
The rain, the storms, the hardest nights
Are Your mercies in disguise?


~~~

Ulan, nagpaparamdam ka ba? O sadyang nang-aasar lang? Hindi mo ba alam kung gaano kasakit ang kamay ko tuwing naglalaba? "Febs, stranded ka?" Isang tango ang isinagot ko kay Caterine. Hindi ako lumingon, nakatingin lang ako sa harap pero nakikita ko naman siyang nakatitig sa akin. Bahagya kong inihilig ang ulo at hindi pinagtuunan ng pansin ang titig niya. "Okay ka lang?" Muli akong tumango sa tanong niya. Naningkit ang mata ko habang nakatingin sa harap. Kailan pa siya lalayo? My lips formed a straight line. Mukhang nakuha naman niya ang gusto kong sabihin kaya siya na mismo ang lumayo. That's good. Naghintay pa ako nang ilang minuto bago tuluyang tumigil ang buhos ng ulan. Napabuntong hinga ako't nagsimulang maglakad. The cold air brushes my skin. Niyakap ko ang sarili at mas pina-igihan ang tingin sa lupa. Mahirap nang maputikan ang medyas ko, masakit sa kamay ang bleach. Rinig ko ang ingay na mula sa mga estudyante. Dahil tumila na ang ulan, marami na ring nagsilabasan sa kanya-kanyang building. Yung iba, magba-barkada. Habang yung mga katulad kong nag-iisa, nandoon sa sulok, kumakain na ng kanilang hapunan. Huminto ako sa gitna at nilibot ang tingin. This felt weird. Pinigilan ko ang sariling paghinga nang kumalam ang sikmura. Walang nakatingin Febs, pwede ka nang huminga. Tumunog ulit ito kaya muli kong pinigilan at bumalik sa classroom namin. "Febs, okay ka lang?" Tumango ako at tipid na ngumiti. "Namumutla ka." "Okay lang ako." Hinalungkat ko ang gamit sa bag. May nakapa akong supot. Napangiti ako. Inilabas ko ito't agad binuksan bago nilantakan ang Rebisco Sandwich. Umupo ako't ningunguya ang pagkain habang ino-obserbahan ang bago kong mga ka-klase. Last year, I'm a student A who belongs in the first section, the FL (Fast Learners) Class. I'm an honor student kaya nagtataka ang mga classmates ko kung bakit sa isang Night High School ang bagsak ko. Like it bothers me that much. "Febs, bibili ka?" Umiling ako sa tanong ni Remelyn. Bakit ba ang kukulit ng mga 'to? "Okay." Agad siyang umalis. Nakahinga ako ng maayos. Nakakalahati na ang biscuit na hawak ko kaya agad ko itong kinagatan at ninguya. Nanatiling tulala ang tingin ko sa blackboard na kaharap ko pero lihim kong ino-obserbahan ang bawat kilos ng nasa paligid ko. My classmates are chillin'. Maraming labas-masok. At bawat estudyanteng napapadaan ay napapatingin sa gawi ko. I shook my head. Pasimple kong pinunasan ang gilid ng labi ko at isinuksok sa bulsa ang basura. Nagpagpag ako ng saya at pagtingin ko sa harap, may lalaking nakatayo. "Miss?" Tumaas nang bahagya ang kilay ko. Napakamot siya ng batok at may itinuro sa labas. Sinundan ko ng tingin ang tinuturo niya. May mga estudyanteng nakatambay sa labas. Binalik ko ang tingin sa kanya. "May gustong magpakilala sa 'yo. Nasa labas." Muli kong nilingon ang tinuturo niya. Wala namang--- "Hoy pre! Wag ka nang magtago! Halika rito!" sigaw nito. Walang sumagot sa kanya kaya nagusot ang mukha niya. Nagmartsa siya papalapit sa pinto. "Hoy!" Pansin kong may kinakausap siya 'ron. Maya-maya pa'y lumapit siya sa akin at humawak sa palapulsuhan ko, sabay hatak sa akin papalapit sa pinto. Wow, hanep! Huminto siya kaya huminto rin ako. "O, ito na siya pre." Kumunot ang noo ko nang wala akong makitang tao. Sinilip ko ang pinto, doon sa gap, at may nakita akong lalaki. Maliit lang siya, hanggang balikat ko. "Lumabas ka dyan, Jonathan." Humigpit ang hawak ng kung sino man sa kamay ko. Napagtanto kong nakahawak pa rin siya kaya ako mismo ang kumalas. "Hoy pre. Naghihintay na si--" lumingon siya sa akin, "--ano ngang pangalan mo, miss?" Nagsalubong ang magkabilaan kong kilay at nagmartsa pabalik sa upuan ko. Walang kwenta. "Teka, miss!" "Shut up." Tumahimik naman siya. Napa-irap ako't inilabas ang notebook sa Math. First day palang, nag-lesson na. Ito ba ang sinasabi nilang walang kwenta ang Night? Na walang matututunan sa Night? Napa-iling ako. Naka-depende sa estudyante kung matututo siya o hindi. Dahil kahit sa isang prestigious school mo pag-aaralin ang bata, wala talagang matutunan kung ayaw nitong matuto. "Jonathan pala, miss." Isinara ko ang notebook at tiningnan ang lalaking nakalahad ang kamay sa akin. Siya yung lalaking nagtatago sa likod ng pinto. "C-classmate p-pala tayo, m-miss.." "Alam ko." Hilaw siyang napangiti at ibinaba ang kamay. Nagkamot siya ng batok bago muling ngumiti. "C-can be friends?" Siniko siya nung lalaking humatak sa akin. "Could be friends 'yun," sita nito. Binuklat ko ang notebook at muling nagbasa. Nakita ko sa peripheral vision kong nagtulakan sila. Napa-iling ako. "Nasan si Phoebe?" Ipinilig ko ang ulo at tumingin sa pintuan. May nakatayo doon. Isang lalaki na sa tingin ko, higher grade. "Phoebe Kylle Serbantes." "Nandoon, o." Tinuro ako ng mga classmates ko. Bigla kong nakagat ang dila. Ano na naman ba ang kailangan nila? "Pumunta ka sa Principal's Office." Iniligpit ko ang gamit bago tumayo at nagtungo sa labas. Kakaiba ang tingin ng mga classmates ko. As if, may ginawa akong kasalanan. Tinago ko ang kamay sa bulsa. Magkasabay kaming naglalakad ng lalaking tumawag sa akin. Unti-unting kumunot ang noo ko dahil panay ang sulyap nito sa akin. I halted and he abruptly stopped. Tumingin ako sa kanya na nakakunot ang noo. Taka naman niya akong tiningnan pabalik. Napabuntong-hininga ako't muling pinagpatuloy ang paglalakad. Narinig ko naman siyang tumawa nang marahan. Nakuyom ko ang kamao. MAGULO. Yan ang una kong napansin nang tumapak ako sa loob ng principal's office. Mga teachers na parito't paroon. Mga gamit na nakasalampak sa lapag. Mga plastic na hindi pa natatapon sa basurahan. Natameme ako. "Good evening. Anong kailangan niyo?" A teacher asked. May kaedaran na at nakasuot ng salamin. Magulo ang buhok nitong hanggang tenga. Yup, yung panlalakeng hairstyle. "Good evening, ma'am. Si Mrs. Gelvis po?" sagot ng lalaking nasa likuran ko. "A, nandoon sa sulok. Pasok kayo," magiliw nitong anyaya. Tipid akong ngumiti at nagpasalamat naman ang lalaking naghatid sa akin. Nauna siyang naglakad at nakasunod lang ako sa kanya. "Ma'am, paki-perma naman.." "Sir, yung form 137 ni..." "Yung handouts, nabigay mo na ba?" Hinawakan ng lalaki ang kamay ko at hinatak papalapit sa kanya. Napangiwi ako nang mabangga ako sa isang estudyante. "Sorry," ani ko. Ngumiti lang siya at muling binalik ang tingin sa ginagawa. "Ma'am!" "Sir, yung ano.." "Ma'am Gelvis!" tawag nung lalaki. Nagtaas ng tingin si ma'am at ngumiti nang makita niya kami. Sinensyasan niya kaming lumapit at agad kaming tumalima. "Si Phoebe, ma'am." "Salamat, Jemark." "Welcome po, ma'am. Lalabas na po ako." "Sige. Salamat ulit." Tinapik ni Jemark ang balikat ko bago nilampasan ako. Bumilis ang tibok ng puso ko nang magtama ang mga mata namin ni ma'am Gelvis. "Phoebe, bakit mo naisipang dito mag-aral?" tanong nito habang nagsusulat. "Uhh--" I cleared my throat. Nagbaba ako ng tingin bago sumagot. "Malapit lang po ang school sa bahay namin, ma'am." "I see. Paki-perma pala nito." Tinanggap ko ang papel na inabot niya. FUNDS FOR SOCA 2014 Binaling ko ulit ang tingin kay maam. She's waiting for my response. "Uhh, para sa'n po 'to, ma'am?" "May gaganaping SOCA---" tinuro nito ang naka-print na malaking letra. "---bukas. Kailangan ng apatnapung estudyante galing dito para makinig. Ikaw ang gagawin kong leader para sa first year. 10 students every year level."



Comments

Post a Comment

Browse

Aranew

Aranew is 23 years old Filipino writer who began her writing journey in 2014, when she wrote her first story, Stupidly In Love with You, in a notebook. After several months of writing by hand, she discovered Wattpad in 2015, an online reading platform where she attempted to publish stories but initially faced challenges. It was on Wattpad that she created her pen name, aranew, when the platform asked for a username and she couldn’t use arabellathenew, leading her to shorten it. Around that time, Aranew found it difficult to continue using Wattpad due to not owning a laptop, but when she received her first cellphone, she began sharing her stories on Facebook. Her first widely accepted story on the platform was Summer Kisses and Winter Tears, which told the tale of Renalyn Venerola, a childless wife who urged her husband to sleep with their maid to conceive. Through Facebook, Aranew found her first group of dedicated readers, who supported her through the completion of the novel. S...

Moonlight Serenade [English Version] Chapter 1

Chapter 1: Meet at the Aisle The Aisle of Medellin is Cebu's longest straight road. A seven-and-a-half-kilometer highway connecting Dayhagon and Curva in the heart of sugarcane fields owned by the Mangubat since the founding of Medellin until the present day. The green and glorious field is the crown of Don Sebastian Mangubat and Donya Belinda Sanchez-Mangubat. And their daughter, Jewel Laine, prefers the small nipa hut on the opposite side of the field. The peaceful atmosphere is something she appreciates about that location. From within the hut, she could see the green sugarcane field and the white road of the Aisle in the distance. But what she enjoys the most is that no one dares to interrupt her reading time. It's an ideal location for her avid reader. Cool air, birds chirping, a peaceful setting —- "Miss Laine! Miss! Here are the books I've purchased!" She blinked and raised her head. She'd just finished praising the stillness of the place when a l...

Conviction of Justice [Last Chapter]

Chapter 160 Naibigay na ni Lamech sa pulisya ang kopya ng video at naghain na siya ng affidavit sa korte laban kay Narciso Clasiso. Bumalik na siya sa lungsod nang isang araw at agad siyang pinatawag ni Alibata sa mansiyon. Dahil wala si Simmy sa mansiyon, malaya niyang naipakita kay Alibata ang kopya ng video ng pag-amin ni Andrie, pati na ang  video na ginawa ni Azora para sa ama. Hindi na niya tiningnan ang video na pinadala ng babae bilang privacy na rin ng mag-ama. Matapos ng pagkikita nila ni Alibata ay nag-report na siya sa opisina ng head prosecutor saka inasikaso ang demanda laban kay Narciso. Si Alibata bilang complainant ay nagpasa ng complaint sa opisina ng prosecution. At dahil kakilala niya ang Deputy Chief ng City Prosecutor Office, binigay sa kaniya ang  complaint ni Alibata na agad niyang tinanggap. Nagsagawa siya ng preliminary investigation at nakakuha ng sapat na ebidensya para maging ground for trial kay Narciso. Nalaman niya sa kakilala niyang ...